33Sinabi ni David sa kanya, “Wala kang maitutulong kung sasáma ka sa akin.
34Ngunit kung babalik ka sa lungsod at sasabihin mo kay Absalom na pagsisilbihan mo siya gaya ng pagsisilbing ginawa mo sa akin, matutulungan mo pa ako sa pamamagitan ng pagsalungat sa ipapayo ni Ahitofel.
35Naroon din sina Sadoc at Abiatar na mga pari. Sabihin mo sa kanila ang lahat ng maririnig mo sa palasyo ng hari.
36Pagkatapos, papuntahin mo sa akin si Ahimaaz na anak ni Sadoc at si Jonatan na anak ni Abiatar para ibalita sa akin ang anumang maririnig mo.”
37Kaya bumalik sa Jerusalem si Husai na kaibigan ni David. Nagkataon namang papasok noon ng lungsod si Absalom.