2 Samuel 16

Sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng opisyal niya, “Kung ang anak ko nga ay binabalak akong patayin, paano pa kaya itong kamag-anak ni Saul? Inutusan siya ng Panginoon kaya hayaan nʼyo na lang siya.

2 Samuel 16:11 (UKJV) And David said to Abishai, and to all his servants, Behold, my son, which came out of my bowels, seeks my life: how much more now may this Benjamite do it? let him alone, and let him curse; for the LORD has bidden him.

9Sinabi ni Abisai na anak ni Zeruias sa hari, “Mahal na Hari, bakit nʼyo po pinapabayaang sumpain kayo ng taong iyan na tulad lang ng patay na aso? Payagan nʼyo po akong pugutan siya ng ulo.”

10Pero sinabi ng hari, “Kayong mga anak ni Zeruias, wala kayong pakialam dito! Kung inutusan siya ng Panginoon na sumpain ako, sino ako para pigilan siya?”

11Sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng opisyal niya, “Kung ang anak ko nga ay binabalak akong patayin, paano pa kaya itong kamag-anak ni Saul? Inutusan siya ng Panginoon kaya hayaan nʼyo na lang siya.

12Baka makita ng Panginoon ang paghihirap ko, at gantihan niya ng kabutihan ang kasamaang nararanasan ko ngayon.”

13Kaya nagpatuloy sa paglakad sina David at ang mga tauhan niya. Sinusundan din sila ni Shimei, pero sa gilid ng burol lang siya dumadaan. Habang naglalakad siya, isinusumpa niya si David at hinahagisan ng bato at lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.