10Pero sinabi ng hari, “Kayong mga anak ni Zeruias, wala kayong pakialam dito! Kung inutusan siya ng Panginoon na sumpain ako, sino ako para pigilan siya?”
11Sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng opisyal niya, “Kung ang anak ko nga ay binabalak akong patayin, paano pa kaya itong kamag-anak ni Saul? Inutusan siya ng Panginoon kaya hayaan nʼyo na lang siya.
12Baka makita ng Panginoon ang paghihirap ko, at gantihan niya ng kabutihan ang kasamaang nararanasan ko ngayon.”
13Kaya nagpatuloy sa paglakad sina David at ang mga tauhan niya. Sinusundan din sila ni Shimei, pero sa gilid ng burol lang siya dumadaan. Habang naglalakad siya, isinusumpa niya si David at hinahagisan ng bato at lupa.
14Napagod si Haring David at ang mga tauhan niya kaya nagpahinga sila pagdating nila sa Ilog Jordan.