9Maaaring sa oras na itoʼy nagtatago siya sa kuweba o sa ibang lugar. Kung sa unang paglalaban nʼyo ay mapatay ang iba sa mga sundalo nʼyo, sasabihin ng makakarinig nito na natalo na ang mga sundalo ninyo.
10Kahit ang pinakamagigiting nʼyong sundalo na kasintapang ng leon ay matatakot. Sapagkat nalalaman ng lahat ng Israelita na ang ama ninyoʼy bihasang mandirigma at matatapang ang tauhan niya.
11“Ang payo ko, tipunin nʼyo ang buong hukbo ng mga Israelita mula sa Dan hanggang Beer-seba, na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat. At kayo mismo ang mamuno sa kanila sa pakikipaglaban.
12Hahanapin natin si David saan man siya naroon. Susugod tayo sa kanya na gaya ng pagpatak ng hamog sa lupa at walang makakaligtas isa man sa kanila.
13Kung tatakas siya sa isang bayan doon, ang buong Israel ay nandoon na naghihintay sa iyong iuutos. Pagkatapos, maaari naming talian ang pader nito at hilahin papunta sa kapatagan hanggang sa magiba ito, at hanggang sa wala nang batong matitira roon.”