11“Ang payo ko, tipunin nʼyo ang buong hukbo ng mga Israelita mula sa Dan hanggang Beer-seba, na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat. At kayo mismo ang mamuno sa kanila sa pakikipaglaban.
12Hahanapin natin si David saan man siya naroon. Susugod tayo sa kanya na gaya ng pagpatak ng hamog sa lupa at walang makakaligtas isa man sa kanila.
13Kung tatakas siya sa isang bayan doon, ang buong Israel ay nandoon na naghihintay sa iyong iuutos. Pagkatapos, maaari naming talian ang pader nito at hilahin papunta sa kapatagan hanggang sa magiba ito, at hanggang sa wala nang batong matitira roon.”
14Sinabi ni Absalom at ng lahat ng namumuno sa Israel, “Mas mabuti ang payo ni Husai na Araceo kaysa kay Ahitofel.” Ang totoo, mas mabuti ang payo ni Ahitofel, pero niloob ng Panginoon na hindi ito sundin ni Absalom upang ibagsak siya.
15Sinabi ni Husai sa mga paring sina Sadoc at Abiatar ang payo ni Ahitofel kay Absalom at sa mga tagapamahala ng Israel, at pati na rin ang ibinigay niyang payo.