2 Samuel 17

Sinabi ni Absalom at ng lahat ng namumuno sa Israel, “Mas mabuti ang payo ni Husai na Araceo kaysa kay Ahitofel.” Ang totoo, mas mabuti ang payo ni Ahitofel, pero niloob ng Panginoon na hindi ito sundin ni Absalom upang ibagsak siya.

2 Samuel 17:14 (UKJV) And Absalom and all the men of Israel said, The counsel of Hushai the Archite is better than the counsel of Ahithophel. For the LORD had appointed to defeat the good counsel of Ahithophel, to the intent that the LORD might bring evil upon Absalom.

12Hahanapin natin si David saan man siya naroon. Susugod tayo sa kanya na gaya ng pagpatak ng hamog sa lupa at walang makakaligtas isa man sa kanila.

13Kung tatakas siya sa isang bayan doon, ang buong Israel ay nandoon na naghihintay sa iyong iuutos. Pagkatapos, maaari naming talian ang pader nito at hilahin papunta sa kapatagan hanggang sa magiba ito, at hanggang sa wala nang batong matitira roon.”

14Sinabi ni Absalom at ng lahat ng namumuno sa Israel, “Mas mabuti ang payo ni Husai na Araceo kaysa kay Ahitofel.” Ang totoo, mas mabuti ang payo ni Ahitofel, pero niloob ng Panginoon na hindi ito sundin ni Absalom upang ibagsak siya.

15Sinabi ni Husai sa mga paring sina Sadoc at Abiatar ang payo ni Ahitofel kay Absalom at sa mga tagapamahala ng Israel, at pati na rin ang ibinigay niyang payo.

16Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Ipaalam nʼyo agad kay David na huwag siyang magpaiwan sa tawiran ng Ilog Jordan sa disyerto ngayong gabi, dahil kung hindi ay siguradong papatayin siya at ang lahat ng mga kasama niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.