2 Samuel 17

Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Ipaalam nʼyo agad kay David na huwag siyang magpaiwan sa tawiran ng Ilog Jordan sa disyerto ngayong gabi, dahil kung hindi ay siguradong papatayin siya at ang lahat ng mga kasama niya.”

2 Samuel 17:16 (UKJV) Now therefore send quickly, and tell David, saying, Lodge not this night in the plains of the wilderness, but speedily pass over; lest the king be swallowed up, and all the people that are with him.

14Sinabi ni Absalom at ng lahat ng namumuno sa Israel, “Mas mabuti ang payo ni Husai na Araceo kaysa kay Ahitofel.” Ang totoo, mas mabuti ang payo ni Ahitofel, pero niloob ng Panginoon na hindi ito sundin ni Absalom upang ibagsak siya.

15Sinabi ni Husai sa mga paring sina Sadoc at Abiatar ang payo ni Ahitofel kay Absalom at sa mga tagapamahala ng Israel, at pati na rin ang ibinigay niyang payo.

16Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Ipaalam nʼyo agad kay David na huwag siyang magpaiwan sa tawiran ng Ilog Jordan sa disyerto ngayong gabi, dahil kung hindi ay siguradong papatayin siya at ang lahat ng mga kasama niya.”

17Nang mga panahong iyon, naghihintay sina Jonatan na anak ni Abiatar at si Ahimaaz na anak ni Sadoc sa En-rogel, dahil ayaw nilang makitang labas-masok sila lungsod ng Jerusalem. Pinapapunta na lang nila ang isang aliping babae upang sabihin sa kanila ang nangyayari, at saka nila ito sasabihin kay Haring David.

18Pero isang araw, nakita sila ng isang binatilyo, kaya sinabi niya ito kay Absalom. Kaya nagmamadaling umalis ang dalawa, at pumunta sa bahay ng isang lalaki sa Bahurim. Mayroong balon ang lalaking ito na malapit sa bahay niya, at doon, bumaba sina Jonatan at Ahimaaz para magtago.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.