2 Samuel 19

Habang pabalik si Haring David, sinalubong siya ng mga mamamayan ng Juda roon sa Ilog Jordan. Ang mga taong itoʼy nagtipon sa Gilgal upang samahan siya sa pagtawid sa ilog.

2 Samuel 19:15 (UKJV) So the king returned, and came to Jordan. And Judah came to Gilgal, to go to meet the king, to conduct the king over Jordan.

13At sabihin nʼyo rin ito kay Amasa, ‘Dahil kalahi kita, gagawin kitang kumander ng mga sundalo ko kapalit ni Joab. Kung hindi ko ito gagawin, parusahan sana ako nang matindi ng Diyos.’ ”

14Napapayag ni David ang mga taga-Juda at nagkaisa sila sa kanilang desisyon. At ipinasabi nila kay David, “Bumalik po kayo rito at ang lahat ng tauhan ninyo.”

15Habang pabalik si Haring David, sinalubong siya ng mga mamamayan ng Juda roon sa Ilog Jordan. Ang mga taong itoʼy nagtipon sa Gilgal upang samahan siya sa pagtawid sa ilog.

16Nagmamadaling sumáma sa pagsalubong kay Haring David si Shimei na anak ni Gera, isang Benjaminita galing Bahurim.

17May kasama siyang isang libong Benjaminita, kasama na rito si Ziba na katiwala ng sambahayan ni Saul, at ang labinlima nitong anak na lalaki at dalawampung utusan. Nagmamadali silang pumunta sa Ilog Jordan, sa kinaroroonan ni Haring David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.