2 Samuel 19

May kasama siyang isang libong Benjaminita, kasama na rito si Ziba na katiwala ng sambahayan ni Saul, at ang labinlima nitong anak na lalaki at dalawampung utusan. Nagmamadali silang pumunta sa Ilog Jordan, sa kinaroroonan ni Haring David.

2 Samuel 19:17 (UKJV) And there were a thousand men of Benjamin with him, and Ziba the servant of the house of Saul, and his fifteen sons and his twenty servants with him; and they went over Jordan before the king.

15Habang pabalik si Haring David, sinalubong siya ng mga mamamayan ng Juda roon sa Ilog Jordan. Ang mga taong itoʼy nagtipon sa Gilgal upang samahan siya sa pagtawid sa ilog.

16Nagmamadaling sumáma sa pagsalubong kay Haring David si Shimei na anak ni Gera, isang Benjaminita galing Bahurim.

17May kasama siyang isang libong Benjaminita, kasama na rito si Ziba na katiwala ng sambahayan ni Saul, at ang labinlima nitong anak na lalaki at dalawampung utusan. Nagmamadali silang pumunta sa Ilog Jordan, sa kinaroroonan ni Haring David.

18Tumawid sila sa mababaw na bahagi ng ilog para tulungan ang hari at ang sambahayan niya sa pagtawid ng ilog, at para gawin ang anumang gustuhin ng hari. Nang patawid pa lang ng Ilog Jordan si Haring David, nagpatirapa si Shimei sa harapan niya bilang paggalang,

19at sinabi, “Mahal na Hari, patawarin nʼyo po ako. Kalimutan nʼyo na po sana ang masamang ginawa ko sa inyo noong umalis kayo sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.