2 Samuel 19

Tumawid sila sa mababaw na bahagi ng ilog para tulungan ang hari at ang sambahayan niya sa pagtawid ng ilog, at para gawin ang anumang gustuhin ng hari. Nang patawid pa lang ng Ilog Jordan si Haring David, nagpatirapa si Shimei sa harapan niya bilang paggalang,

2 Samuel 19:18 (UKJV) And there went over a ferry boat to carry over the king's household, and to do what he thought good. And Shimei the son of Gera fell down before the king, as he was come over Jordan;

16Nagmamadaling sumáma sa pagsalubong kay Haring David si Shimei na anak ni Gera, isang Benjaminita galing Bahurim.

17May kasama siyang isang libong Benjaminita, kasama na rito si Ziba na katiwala ng sambahayan ni Saul, at ang labinlima nitong anak na lalaki at dalawampung utusan. Nagmamadali silang pumunta sa Ilog Jordan, sa kinaroroonan ni Haring David.

18Tumawid sila sa mababaw na bahagi ng ilog para tulungan ang hari at ang sambahayan niya sa pagtawid ng ilog, at para gawin ang anumang gustuhin ng hari. Nang patawid pa lang ng Ilog Jordan si Haring David, nagpatirapa si Shimei sa harapan niya bilang paggalang,

19at sinabi, “Mahal na Hari, patawarin nʼyo po ako. Kalimutan nʼyo na po sana ang masamang ginawa ko sa inyo noong umalis kayo sa Jerusalem.

20Inaamin ko po na nagkasala ako, Mahal na Hari. Kaya nga nauna akong dumating dito kaysa sa ibang mga lahi sa hilaga upang salubungin kayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.