18Tumawid sila sa mababaw na bahagi ng ilog para tulungan ang hari at ang sambahayan niya sa pagtawid ng ilog, at para gawin ang anumang gustuhin ng hari. Nang patawid pa lang ng Ilog Jordan si Haring David, nagpatirapa si Shimei sa harapan niya bilang paggalang,
19at sinabi, “Mahal na Hari, patawarin nʼyo po ako. Kalimutan nʼyo na po sana ang masamang ginawa ko sa inyo noong umalis kayo sa Jerusalem.
20Inaamin ko po na nagkasala ako, Mahal na Hari. Kaya nga nauna akong dumating dito kaysa sa ibang mga lahi sa hilaga upang salubungin kayo.”
21Pagkatapos, sinabi ni Abisai na anak ni Zeruias, “Hindi baʼt dapat patayin si Shimei dahil isinumpa niya ang piniling hari ng Panginoon?”
22Ngunit sinabi ni David, “Kayong mga anak ni Zeruias, ano ang pakialam nʼyo? Huwag na ninyong salungatin ang desisyon ko. Ako na ngayon ang hari ng Israel, at walang taong papatayin sa Israel sa araw na ito.”