20Inaamin ko po na nagkasala ako, Mahal na Hari. Kaya nga nauna akong dumating dito kaysa sa ibang mga lahi sa hilaga upang salubungin kayo.”
21Pagkatapos, sinabi ni Abisai na anak ni Zeruias, “Hindi baʼt dapat patayin si Shimei dahil isinumpa niya ang piniling hari ng Panginoon?”
22Ngunit sinabi ni David, “Kayong mga anak ni Zeruias, ano ang pakialam nʼyo? Huwag na ninyong salungatin ang desisyon ko. Ako na ngayon ang hari ng Israel, at walang taong papatayin sa Israel sa araw na ito.”
23Kaya sinabi ng hari kay Shimei, “Isinusumpa ko na hindi ka papatayin.”
24Pumunta rin doon si Mefiboset na apo ni Saul upang salubungin si Haring David. Galing siya sa Jerusalem. Hindi pa siya nakakapaghugas ng paa, nakakapag-ahit ng balbas, at nakakapagpalit ng damit niya mula nang umalis si David sa Jerusalem hanggang sa matagumpay na nakabalik ito. Nang makarating siya roon, tinanong siya ni David, “Mefiboset, bakit hindi ka sumáma sa akin?”