2 Samuel 19

Sumagot siya, “Mahal na Hari, alam ninyong lumpo ako. Sinabihan ko ang utusan kong si Ziba na ihanda ang asno upang makasakay ako at makasama sa inyo ngunit trinaydor niya ako.

2 Samuel 19:26 (UKJV) And he answered, My lord, O king, my servant deceived me: for your servant said, I will saddle me an ass, that I may ride thereon, and go to the king; because your servant is lame.

24Pumunta rin doon si Mefiboset na apo ni Saul upang salubungin si Haring David. Galing siya sa Jerusalem. Hindi pa siya nakakapaghugas ng paa, nakakapag-ahit ng balbas, at nakakapagpalit ng damit niya mula nang umalis si David sa Jerusalem hanggang sa matagumpay na nakabalik ito. Nang makarating siya roon, tinanong siya ni David, “Mefiboset, bakit hindi ka sumáma sa akin?”

26Sumagot siya, “Mahal na Hari, alam ninyong lumpo ako. Sinabihan ko ang utusan kong si Ziba na ihanda ang asno upang makasakay ako at makasama sa inyo ngunit trinaydor niya ako.

27At siniraan niya po ako sa inyo, mahal na hari. Ngunit nalalaman po ninyo ang totoo dahil katulad kayo ng anghel ng Diyos, kaya gawin nʼyo po kung ano ang sa tingin ninyo ay mabuti.

28Nararapat lamang na patayin ninyo ang buong angkan ng aking lolo, mahal na hari, ngunit binigyan nʼyo po ako ng karapatang kumain kasama ninyo. Kaya wala na po akong karapatan pang humingi sa inyo ng pabor.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.