2 Samuel 19

At siniraan niya po ako sa inyo, mahal na hari. Ngunit nalalaman po ninyo ang totoo dahil katulad kayo ng anghel ng Diyos, kaya gawin nʼyo po kung ano ang sa tingin ninyo ay mabuti.

2 Samuel 19:27 (UKJV) And he has slandered your servant unto my lord the king; but my lord the king is as an angel of God: do therefore what is good in yours eyes.

26Sumagot siya, “Mahal na Hari, alam ninyong lumpo ako. Sinabihan ko ang utusan kong si Ziba na ihanda ang asno upang makasakay ako at makasama sa inyo ngunit trinaydor niya ako.

27At siniraan niya po ako sa inyo, mahal na hari. Ngunit nalalaman po ninyo ang totoo dahil katulad kayo ng anghel ng Diyos, kaya gawin nʼyo po kung ano ang sa tingin ninyo ay mabuti.

28Nararapat lamang na patayin ninyo ang buong angkan ng aking lolo, mahal na hari, ngunit binigyan nʼyo po ako ng karapatang kumain kasama ninyo. Kaya wala na po akong karapatan pang humingi sa inyo ng pabor.”

29Sinabi ni Haring David sa kanya, “Huwag na nating pag-usapan ito. Nakapagdesisyon na akong paghatian nʼyo ni Ziba ang lupain ni Saul.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.