2 Samuel 19

Sinabi ni Haring David sa kanya, “Huwag na nating pag-usapan ito. Nakapagdesisyon na akong paghatian nʼyo ni Ziba ang lupain ni Saul.”

2 Samuel 19:29 (UKJV) And the king said unto him, Why speak you any more of your matters? I have said, You and Ziba divide the land.

27At siniraan niya po ako sa inyo, mahal na hari. Ngunit nalalaman po ninyo ang totoo dahil katulad kayo ng anghel ng Diyos, kaya gawin nʼyo po kung ano ang sa tingin ninyo ay mabuti.

28Nararapat lamang na patayin ninyo ang buong angkan ng aking lolo, mahal na hari, ngunit binigyan nʼyo po ako ng karapatang kumain kasama ninyo. Kaya wala na po akong karapatan pang humingi sa inyo ng pabor.”

29Sinabi ni Haring David sa kanya, “Huwag na nating pag-usapan ito. Nakapagdesisyon na akong paghatian nʼyo ni Ziba ang lupain ni Saul.”

30Sinabi ni Mefiboset sa hari, “Ibigay nʼyo na lang po sa kanya lahat. Kontento na akong nakauwi kayo nang ligtas.”

31Gayundin ang isang lalaking Barzilai na taga-Gilead galing sa Rogelim. Gusto rin niyang tumulong kina Haring David sa pagtawid sa Ilog Jordan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.