2 Samuel 19

Gayundin ang isang lalaking Barzilai na taga-Gilead galing sa Rogelim. Gusto rin niyang tumulong kina Haring David sa pagtawid sa Ilog Jordan.

2 Samuel 19:31 (UKJV) And Barzillai the Gileadite came down from Rogelim, and went over Jordan with the king, to conduct him over Jordan.

29Sinabi ni Haring David sa kanya, “Huwag na nating pag-usapan ito. Nakapagdesisyon na akong paghatian nʼyo ni Ziba ang lupain ni Saul.”

30Sinabi ni Mefiboset sa hari, “Ibigay nʼyo na lang po sa kanya lahat. Kontento na akong nakauwi kayo nang ligtas.”

31Gayundin ang isang lalaking Barzilai na taga-Gilead galing sa Rogelim. Gusto rin niyang tumulong kina Haring David sa pagtawid sa Ilog Jordan.

32Matanda na si Barzilai; walumpung taóng gulang na siya. Mayaman siya at siya ang nagbibigay ng mga kailangan ni Haring David noong doon pa ito nakatira sa Mahanaim.

33Sinabi sa kanya ni Haring David, “Sumama kang tumawid sa akin at manirahan ka na rin sa Jerusalem. Ako ang bahala sa iyo roon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.