18Kasama sa labanan ang tatlong anak ni Zeruias na sina Joab, Abisai at Asahel. Mabilis tumakbo si Asahel gaya ng usa.
19Hinabol niya si Abner nang walang lingon-lingon.
20Nang lumingon si Abner, nakita niya ito at tinanong, “Ikaw ba ʼyan, Asahel?” “Ako nga,” sagot ni Asahel.
21Kaya sinabi ni Abner sa kanya, “Huwag mo na akong habulin, iyong isa na lang sa mga kasama ko ang habulin mo at kunin mo ang kagamitan niya.” Pero hindi tumigil si Asahel sa paghabol sa kanya.
22Muling sinabi ni Abner kay Asahel, “Tumigil ka sa paghabol sa akin! Huwag mo akong piliting patayin ka. Wala na akong mukhang maihaharap sa kapatid mong si Joab kung papatayin kita.”