2 Samuel 2

Kasama sa labanan ang tatlong anak ni Zeruias na sina Joab, Abisai at Asahel. Mabilis tumakbo si Asahel gaya ng usa.

2 Samuel 2:18 (UKJV) And there were three sons of Zeruiah there, Joab, and Abishai, and Asahel: and Asahel was as light of foot as a wild roe.

16Hinawakan nila ang ulo ng isaʼt isa at nagsaksakan hanggang sa mamatay silang lahat. Kaya tinawag na Helkat Hazurim ang lugar na iyon sa Gibeon.

17At nagkaroon ng matinding labanan sa pagitan ng dalawang grupo. At nang araw na iyon, natalo si Abner at ang mga tauhan ng Israel laban sa mga tauhan ni David.

18Kasama sa labanan ang tatlong anak ni Zeruias na sina Joab, Abisai at Asahel. Mabilis tumakbo si Asahel gaya ng usa.

19Hinabol niya si Abner nang walang lingon-lingon.

20Nang lumingon si Abner, nakita niya ito at tinanong, “Ikaw ba ʼyan, Asahel?” “Ako nga,” sagot ni Asahel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.