2 Samuel 2

Sumagot si Joab, “Sumusumpa ako sa Makapangyarihan at buháy na Diyos, na kung hindi ka nagsalita ay patuloy kayong tutugisin ng mga tauhan ko hanggang umaga.”

2 Samuel 2:27 (UKJV) And Joab said, As God lives, unless you had spoken, surely then in the morning the people had gone up every one from following his brother.

25Nagtipon kay Abner sa itaas ng burol ang mga sundalo mula sa lahi ni Benjamin para maghanda sa pakikipaglaban.

26Sinigawan ni Abner si Joab, “Itigil na natin ang patayang ito! Hindi mo ba naunawaan na sama lang ng loob ang ibubunga nito? Kailan mo patitigilin ang mga tauhan mo sa paghabol sa aming mga kadugo nʼyo?”

27Sumagot si Joab, “Sumusumpa ako sa Makapangyarihan at buháy na Diyos, na kung hindi ka nagsalita ay patuloy kayong tutugisin ng mga tauhan ko hanggang umaga.”

28Kaya pinatunog ni Joab ang trumpeta, at ang lahat niyang tauhan ay tumigil sa pagtugis sa mga Israelita. At tumigil ang labanan.

29Buong gabing naglakad si Abner at ang mga tauhan niya sa Kapatagan ng Jordan. Tumawid sila sa Ilog Jordan at nagpatuloy sa paglalakad buong umaga hanggang sa makarating sila sa Mahanaim.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.