2 Samuel 2

Buong gabing naglakad si Abner at ang mga tauhan niya sa Kapatagan ng Jordan. Tumawid sila sa Ilog Jordan at nagpatuloy sa paglalakad buong umaga hanggang sa makarating sila sa Mahanaim.

2 Samuel 2:29 (UKJV) And Abner and his men walked all that night through the plain, and passed over Jordan, and went through all Bithron, and they came to Mahanaim.

27Sumagot si Joab, “Sumusumpa ako sa Makapangyarihan at buháy na Diyos, na kung hindi ka nagsalita ay patuloy kayong tutugisin ng mga tauhan ko hanggang umaga.”

28Kaya pinatunog ni Joab ang trumpeta, at ang lahat niyang tauhan ay tumigil sa pagtugis sa mga Israelita. At tumigil ang labanan.

29Buong gabing naglakad si Abner at ang mga tauhan niya sa Kapatagan ng Jordan. Tumawid sila sa Ilog Jordan at nagpatuloy sa paglalakad buong umaga hanggang sa makarating sila sa Mahanaim.

30Nang huminto si Joab sa paghabol kay Abner, siya at ang mga tauhan niya ay umuwi na rin. Nang tipunin ni Joab ang mga tauhan niya, nalaman niyang bukod kay Asahel, labinsiyam ang napatay sa kanila.

31Pero 360 ang napatay nila sa mga tauhan ni Abner, at ang lahat ng iyon ay mula sa lahi ni Benjamin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.