26Sinigawan ni Abner si Joab, “Itigil na natin ang patayang ito! Hindi mo ba naunawaan na sama lang ng loob ang ibubunga nito? Kailan mo patitigilin ang mga tauhan mo sa paghabol sa aming mga kadugo nʼyo?”
27Sumagot si Joab, “Sumusumpa ako sa Makapangyarihan at buháy na Diyos, na kung hindi ka nagsalita ay patuloy kayong tutugisin ng mga tauhan ko hanggang umaga.”
28Kaya pinatunog ni Joab ang trumpeta, at ang lahat niyang tauhan ay tumigil sa pagtugis sa mga Israelita. At tumigil ang labanan.
29Buong gabing naglakad si Abner at ang mga tauhan niya sa Kapatagan ng Jordan. Tumawid sila sa Ilog Jordan at nagpatuloy sa paglalakad buong umaga hanggang sa makarating sila sa Mahanaim.
30Nang huminto si Joab sa paghabol kay Abner, siya at ang mga tauhan niya ay umuwi na rin. Nang tipunin ni Joab ang mga tauhan niya, nalaman niyang bukod kay Asahel, labinsiyam ang napatay sa kanila.