2 Samuel 20

Nang mabalitaan ito ni Joab at ng mga tauhan niya, nagpunta sila sa Abel-bet-maaca at pinalibutan ito. Gumawa sila ng mga tumpok ng lupa sa gilid ng pader ng lungsod upang makaakyat sila, at unti-unti nilang sinira ang pader.

2 Samuel 20:15 (UKJV) And they came and besieged him in Abel of Bethmaachah, and they cast up a bank against the city, and it stood in the trench: and all the people that were with Joab battered the wall, to throw it down.

13Nang maalis na ang bangkay ni Amasa sa daan, nagpatuloy ang lahat sa pagsunod kay Joab upang tugisin si Sheba.

14Samantala, pumunta si Sheba sa lahat ng lahi ng Israel upang tipunin ang lahat ng kamag-anak niya. Sumunod sa kanya ang mga kamag-anak niya at nagtipon sila sa Abel-bet-maaca.

15Nang mabalitaan ito ni Joab at ng mga tauhan niya, nagpunta sila sa Abel-bet-maaca at pinalibutan ito. Gumawa sila ng mga tumpok ng lupa sa gilid ng pader ng lungsod upang makaakyat sila, at unti-unti nilang sinira ang pader.

16May isang matalinong babae sa loob ng lungsod na sumigaw sa mga tauhan ni Joab, “Makinig kayo sa akin! Sabihin nʼyo kay Joab na pumunta sa akin dahil gusto kong makipag-usap sa kanya.”

17Kaya pumunta si Joab sa kanya, at nagtanong ang babae, “Kayo ba si Joab?” Sumagot si Joab, “Oo, ako nga.” Sinabi ng babae, “Makinig po kayo sa sasabihin ko sa inyo.” Sumagot si Joab, “Sige, makikinig ako.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.