15Nang mabalitaan ito ni Joab at ng mga tauhan niya, nagpunta sila sa Abel-bet-maaca at pinalibutan ito. Gumawa sila ng mga tumpok ng lupa sa gilid ng pader ng lungsod upang makaakyat sila, at unti-unti nilang sinira ang pader.
16May isang matalinong babae sa loob ng lungsod na sumigaw sa mga tauhan ni Joab, “Makinig kayo sa akin! Sabihin nʼyo kay Joab na pumunta sa akin dahil gusto kong makipag-usap sa kanya.”
17Kaya pumunta si Joab sa kanya, at nagtanong ang babae, “Kayo ba si Joab?” Sumagot si Joab, “Oo, ako nga.” Sinabi ng babae, “Makinig po kayo sa sasabihin ko sa inyo.” Sumagot si Joab, “Sige, makikinig ako.”
18Sinabi ng babae, “May isang kasabihan noon na nagsasabi, ‘Kung gusto nʼyong malutas ang problema nʼyo, humingi kayo ng payo sa lungsod ng Abel.’
19Isa po ako sa mga umaasang magpapatuloy ang kapayapaan sa Israel. Ngunit kayo, bakit pinipilit nʼyong ibagsak ang isa sa mga nangungunang lungsod sa Israel? Bakit gusto nʼyong ibagsak ang lungsod na pag-aari ng Panginoon?”