2 Samuel 20

Isa po ako sa mga umaasang magpapatuloy ang kapayapaan sa Israel. Ngunit kayo, bakit pinipilit nʼyong ibagsak ang isa sa mga nangungunang lungsod sa Israel? Bakit gusto nʼyong ibagsak ang lungsod na pag-aari ng Panginoon?”

2 Samuel 20:19 (UKJV) I am one of them that are peaceable and faithful in Israel: you seek to destroy a city and a mother in Israel: why will you swallow up the inheritance of the LORD?

17Kaya pumunta si Joab sa kanya, at nagtanong ang babae, “Kayo ba si Joab?” Sumagot si Joab, “Oo, ako nga.” Sinabi ng babae, “Makinig po kayo sa sasabihin ko sa inyo.” Sumagot si Joab, “Sige, makikinig ako.”

18Sinabi ng babae, “May isang kasabihan noon na nagsasabi, ‘Kung gusto nʼyong malutas ang problema nʼyo, humingi kayo ng payo sa lungsod ng Abel.’

19Isa po ako sa mga umaasang magpapatuloy ang kapayapaan sa Israel. Ngunit kayo, bakit pinipilit nʼyong ibagsak ang isa sa mga nangungunang lungsod sa Israel? Bakit gusto nʼyong ibagsak ang lungsod na pag-aari ng Panginoon?”

20Sumagot si Joab, “Hindi ko gustong ibagsak ang lungsod nʼyo!

21Hindi iyan ang pakay namin. Sumalakay kami dahil kay Sheba na anak ni Bicri na galing sa kaburulan ng Efraim. Nagrebelde siya kay Haring David. Ibigay nʼyo siya sa amin at aalis kami sa lungsod ninyo.” Sinabi ng babae, “Ihahagis namin sa inyo ang ulo niya mula sa pader.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.