2 Samuel 20

Hindi iyan ang pakay namin. Sumalakay kami dahil kay Sheba na anak ni Bicri na galing sa kaburulan ng Efraim. Nagrebelde siya kay Haring David. Ibigay nʼyo siya sa amin at aalis kami sa lungsod ninyo.” Sinabi ng babae, “Ihahagis namin sa inyo ang ulo niya mula sa pader.”

2 Samuel 20:21 (UKJV) The matter is not so: but a man of mount Ephraim, Sheba the son of Bichri by name, has lifted up his hand against the king, even against David: deliver him only, and I will depart from the city. And the woman said unto Joab, Behold, his head shall be thrown to you over the wall.

19Isa po ako sa mga umaasang magpapatuloy ang kapayapaan sa Israel. Ngunit kayo, bakit pinipilit nʼyong ibagsak ang isa sa mga nangungunang lungsod sa Israel? Bakit gusto nʼyong ibagsak ang lungsod na pag-aari ng Panginoon?”

20Sumagot si Joab, “Hindi ko gustong ibagsak ang lungsod nʼyo!

21Hindi iyan ang pakay namin. Sumalakay kami dahil kay Sheba na anak ni Bicri na galing sa kaburulan ng Efraim. Nagrebelde siya kay Haring David. Ibigay nʼyo siya sa amin at aalis kami sa lungsod ninyo.” Sinabi ng babae, “Ihahagis namin sa inyo ang ulo niya mula sa pader.”

22Kaya pinuntahan ng babae ang mga nakatira sa lungsod at sinabi niya sa kanila ang plano niya. Pinugutan nila ng ulo si Sheba at inihagis nila ito kay Joab. Pagkatapos, pinatunog ni Joab ang trumpeta at umalis ang mga tauhan niya sa lungsod at umuwi. Si Joab ay bumalik sa hari, sa Jerusalem.

23Si Joab ang kumander ng buong hukbo ng Israel. Si Benaias naman na anak ni Jehoiada ang pinuno ng personal na tagapagbantay ni David na mga Kereteo at Peleteo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.