20Sumagot si Joab, “Hindi ko gustong ibagsak ang lungsod nʼyo!
21Hindi iyan ang pakay namin. Sumalakay kami dahil kay Sheba na anak ni Bicri na galing sa kaburulan ng Efraim. Nagrebelde siya kay Haring David. Ibigay nʼyo siya sa amin at aalis kami sa lungsod ninyo.” Sinabi ng babae, “Ihahagis namin sa inyo ang ulo niya mula sa pader.”
22Kaya pinuntahan ng babae ang mga nakatira sa lungsod at sinabi niya sa kanila ang plano niya. Pinugutan nila ng ulo si Sheba at inihagis nila ito kay Joab. Pagkatapos, pinatunog ni Joab ang trumpeta at umalis ang mga tauhan niya sa lungsod at umuwi. Si Joab ay bumalik sa hari, sa Jerusalem.
23Si Joab ang kumander ng buong hukbo ng Israel. Si Benaias naman na anak ni Jehoiada ang pinuno ng personal na tagapagbantay ni David na mga Kereteo at Peleteo.
24Si Adoniram ang namumuno sa mga alipin na sapilitang pinagtatrabaho. Si Jehosafat na anak ni Ahilud ang namamahala sa mga kasulatan sa kaharian.