12Nakahandusay sa gitna ng daan ang bangkay ni Amasa na naliligo sa sarili niyang dugo. Sinumang dumadaan doon ay napapahinto at tinitingnan ang bangkay. Nang mapansin ito ng isang tauhan ni Joab, hinila niya ang bangkay ni Amasa at inilayo sa daan, at saka tinakpan ng tela.
13Nang maalis na ang bangkay ni Amasa sa daan, nagpatuloy ang lahat sa pagsunod kay Joab upang tugisin si Sheba.
14Samantala, pumunta si Sheba sa lahat ng lahi ng Israel upang tipunin ang lahat ng kamag-anak niya. Sumunod sa kanya ang mga kamag-anak niya at nagtipon sila sa Abel-bet-maaca.
15Nang mabalitaan ito ni Joab at ng mga tauhan niya, nagpunta sila sa Abel-bet-maaca at pinalibutan ito. Gumawa sila ng mga tumpok ng lupa sa gilid ng pader ng lungsod upang makaakyat sila, at unti-unti nilang sinira ang pader.
16May isang matalinong babae sa loob ng lungsod na sumigaw sa mga tauhan ni Joab, “Makinig kayo sa akin! Sabihin nʼyo kay Joab na pumunta sa akin dahil gusto kong makipag-usap sa kanya.”