2 Samuel 21

Noong panahon ng paghahari ni David, nagkaroon ng taggutom sa loob ng tatlong taon. Kaya nanalangin si David sa Panginoon. Sinabi ng Panginoon, “Dumating ang taggutom dahil pinatay ni Saul at ng pamilya niya ang mga Gibeonita.”

2 Samuel 21:1 (UKJV) Then there was a famine in the days of David three years, year after year; and David enquired of the LORD. And the LORD answered, It is for Saul, and for his bloody house, because he slew the Gibeonites.

1Noong panahon ng paghahari ni David, nagkaroon ng taggutom sa loob ng tatlong taon. Kaya nanalangin si David sa Panginoon. Sinabi ng Panginoon, “Dumating ang taggutom dahil pinatay ni Saul at ng pamilya niya ang mga Gibeonita.”

2Ang mga Gibeonita ay hindi nagmula sa lahi ng mga Israelita. Sila ang mga natira sa lahi ng mga Amoreo. Nangako ang mga Israelita na hindi nila papatayin ang mga ito ngunit tinangka silang lipulin ni Saul dahil sa matinding pagmamalasakit niya sa Israel at Juda. Ipinatawag ni David ang mga Gibeonita,

3at tinanong, “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo? Paano ko mababayaran ang kasalanang ginawa ni Saul sa inyo, upang pagpalain ninyo ang mamamayan ng Panginoon?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.