8Lumindol, at ang pundasyon ng kalangitan ay nayanig, dahil kayo, Panginoon, ay nagalit.
9Umusok din ang inyong ilong, at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.
10Binuksan nʼyo ang langit at kayoʼy bumaba, at tumuntong sa maitim at makapal na ulap.
11Kayoʼy sumakay sa isang kerubin, at mabilis na lumipad na dala ng hangin.
12Pinalibutan mo ang iyong sarili ng kadiliman, ng madilim at makapal na ulap.