6Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking daraanan.
7“Sa aking kahirapan, humingi ako ng tulong sa inyo, Panginoon na aking Diyos, at pinakinggan nʼyo ang panalangin ko roon sa inyong templo.
8Lumindol, at ang pundasyon ng kalangitan ay nayanig, dahil kayo, Panginoon, ay nagalit.
9Umusok din ang inyong ilong, at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.
10Binuksan nʼyo ang langit at kayoʼy bumaba, at tumuntong sa maitim at makapal na ulap.