2 Samuel 22

Umusok din ang inyong ilong, at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.

2 Samuel 22:9 (UKJV) There went up a smoke out of his nostrils, and fire out of his mouth devoured: coals were kindled by it.

7“Sa aking kahirapan, humingi ako ng tulong sa inyo, Panginoon na aking Diyos, at pinakinggan nʼyo ang panalangin ko roon sa inyong templo.

8Lumindol, at ang pundasyon ng kalangitan ay nayanig, dahil kayo, Panginoon, ay nagalit.

9Umusok din ang inyong ilong, at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.

10Binuksan nʼyo ang langit at kayoʼy bumaba, at tumuntong sa maitim at makapal na ulap.

11Kayoʼy sumakay sa isang kerubin, at mabilis na lumipad na dala ng hangin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.