11Kayoʼy sumakay sa isang kerubin, at mabilis na lumipad na dala ng hangin.
12Pinalibutan mo ang iyong sarili ng kadiliman, ng madilim at makapal na ulap.
13Kumidlat mula sa inyong kinaroroonan, at mula rooʼy bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga.
14Ang tinig nʼyo, Kataas-taasang Diyos na aming Panginoon, ay dumadagundong mula sa langit.
15Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalaban at nataranta silang nagsitakas.