17“At mula sa langit akoʼy inabot nʼyo at inahon mula sa malalim na tubig.
18Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan.
19Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan. Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.
20Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin.
21“Pinagpala nʼyo ako dahil akoʼy namumuhay sa katuwiran. Sa kalinisan ng aking kamay akoʼy inyong ginantimpalaan.