15Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalaban at nataranta silang nagsitakas.
16Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito, pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad.
17“At mula sa langit akoʼy inabot nʼyo at inahon mula sa malalim na tubig.
18Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan.
19Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan. Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.