2 Samuel 23

Ganyan ang pamilya ko sa paningin ng Diyos, at gumawa siya ng kasunduang walang hanggan sa akin. Maayos at detalyado ang kasunduang ito at hindi na mapapalitan. Kaya nakatitiyak ako na palagi akong ililigtas ng Diyos at ibibigay niya sa akin ang lahat ng aking mga ninanais.

2 Samuel 23:5 (UKJV) Although my house be not so with God; yet he has made with me an everlasting covenant, ordered in all things, and sure: for this is all my salvation, and all my desire, although he make it not to grow.

3Sinabi sa akin ng Diyos ng Israel, na Batong kanlungan ng Israel, ‘Ang namumuno nang matuwid at may takot sa Diyos,

4ay tulad ng liwanag ng araw na sumisikat sa umaga na walang maitim na ulap, na nagpapakinang sa mga damo pagkatapos ng ulan!’

5Ganyan ang pamilya ko sa paningin ng Diyos, at gumawa siya ng kasunduang walang hanggan sa akin. Maayos at detalyado ang kasunduang ito at hindi na mapapalitan. Kaya nakatitiyak ako na palagi akong ililigtas ng Diyos at ibibigay niya sa akin ang lahat ng aking mga ninanais.

6Ngunit ang masasamang taoʼy itatapon gaya ng matitinik na halaman, na hindi puwedeng kunin sa pamamagitan lang ng kamay.

7Sinumang hahawak sa matitinik na halaman ay kailangan pang gumamit ng kagamitang gawa sa bakal o kahoy, at susunugin ang mga ito sa lugar na kinaroroonan ng mga ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.