5Ganyan ang pamilya ko sa paningin ng Diyos, at gumawa siya ng kasunduang walang hanggan sa akin. Maayos at detalyado ang kasunduang ito at hindi na mapapalitan. Kaya nakatitiyak ako na palagi akong ililigtas ng Diyos at ibibigay niya sa akin ang lahat ng aking mga ninanais.
6Ngunit ang masasamang taoʼy itatapon gaya ng matitinik na halaman, na hindi puwedeng kunin sa pamamagitan lang ng kamay.
7Sinumang hahawak sa matitinik na halaman ay kailangan pang gumamit ng kagamitang gawa sa bakal o kahoy, at susunugin ang mga ito sa lugar na kinaroroonan ng mga ito.”
8Ito ang mga matatapang na tauhan ni David: Si Joseb-basebet na taga-Takemon ang nangunguna sa Tatlo. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng walong daang tao sa pamamagitan ng sibat niya.
9Ang sumunod sa kanya ay si Eleazar na anak ni Dodai na angkan ni Ahoa, na isa sa Tatlo. Isa siya sa mga kasama ni David na humamon sa mga Filisteong nagtipon sa Pas-damim sa pakikipaglaban. Tumakas ang mga Israelita,