2 Samuel 23

Ito ang mga matatapang na tauhan ni David: Si Joseb-basebet na taga-Takemon ang nangunguna sa Tatlo. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng walong daang tao sa pamamagitan ng sibat niya.

2 Samuel 23:8 (UKJV) These be the names of the mighty men whom David had: The Tachmonite that sat in the seat, chief among the captains; the same was Adino the Eznite: he lift up his spear against eight hundred, whom he slew at the same.

6Ngunit ang masasamang taoʼy itatapon gaya ng matitinik na halaman, na hindi puwedeng kunin sa pamamagitan lang ng kamay.

7Sinumang hahawak sa matitinik na halaman ay kailangan pang gumamit ng kagamitang gawa sa bakal o kahoy, at susunugin ang mga ito sa lugar na kinaroroonan ng mga ito.”

8Ito ang mga matatapang na tauhan ni David: Si Joseb-basebet na taga-Takemon ang nangunguna sa Tatlo. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng walong daang tao sa pamamagitan ng sibat niya.

9Ang sumunod sa kanya ay si Eleazar na anak ni Dodai na angkan ni Ahoa, na isa sa Tatlo. Isa siya sa mga kasama ni David na humamon sa mga Filisteong nagtipon sa Pas-damim sa pakikipaglaban. Tumakas ang mga Israelita,

10ngunit nagpaiwan siya at pinagpapatay niya ang mga Filisteo hanggang sa mapagod na ang kamay niya at manigas sa pagkahawak sa espada. Pinagtagumpay sila ng Panginoon nang araw na iyon. Bumalik kay Eleazar ang mga tumakas na Israelita para kunin ang mga armas ng mga namatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.