2 Samuel 23

Ang sumunod sa kanya ay si Eleazar na anak ni Dodai na angkan ni Ahoa, na isa sa Tatlo. Isa siya sa mga kasama ni David na humamon sa mga Filisteong nagtipon sa Pas-damim sa pakikipaglaban. Tumakas ang mga Israelita,

2 Samuel 23:9 (UKJV) And after him was Eleazar the son of Dodo the Ahohite, one of the three mighty men with David, when they defied the Philistines that were there gathered together to battle, and the men of Israel were gone away:

7Sinumang hahawak sa matitinik na halaman ay kailangan pang gumamit ng kagamitang gawa sa bakal o kahoy, at susunugin ang mga ito sa lugar na kinaroroonan ng mga ito.”

8Ito ang mga matatapang na tauhan ni David: Si Joseb-basebet na taga-Takemon ang nangunguna sa Tatlo. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng walong daang tao sa pamamagitan ng sibat niya.

9Ang sumunod sa kanya ay si Eleazar na anak ni Dodai na angkan ni Ahoa, na isa sa Tatlo. Isa siya sa mga kasama ni David na humamon sa mga Filisteong nagtipon sa Pas-damim sa pakikipaglaban. Tumakas ang mga Israelita,

10ngunit nagpaiwan siya at pinagpapatay niya ang mga Filisteo hanggang sa mapagod na ang kamay niya at manigas sa pagkahawak sa espada. Pinagtagumpay sila ng Panginoon nang araw na iyon. Bumalik kay Eleazar ang mga tumakas na Israelita para kunin ang mga armas ng mga namatay.

11Ang sumunod ay si Shama na anak ni Agee na taga-Harar. Isang araw, nagtipon ang mga Filisteo sa Lehi, at sinalakay nila ang mga Israelita sa taniman ng mga gisantes. Tumakas ang mga Israelita,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.