2 Samuel 24

Sinabi ni Arauna, “Mahal na Hari, bakit po kayo nandito?” Sumagot si David, “Pumunta ako rito para bilhin ang giikan mo, dahil gagawa ako ng altar para sa Panginoon, upang matigil na ang salot.”

2 Samuel 24:21 (UKJV) And Araunah said, Wherefore is my lord the king come to his servant? And David said, To buy the threshing floor of you, to build an altar unto the LORD, that the plague may be stayed from the people.

19Kaya umakyat si David gaya ng iniutos ng Panginoon kay Gad.

20Nang makita ni Arauna na paparating ang hari at ang mga tauhan nito, lumabas siya at lumuhod sa harapan ni David.

21Sinabi ni Arauna, “Mahal na Hari, bakit po kayo nandito?” Sumagot si David, “Pumunta ako rito para bilhin ang giikan mo, dahil gagawa ako ng altar para sa Panginoon, upang matigil na ang salot.”

22Sinabi ni Arauna, “Kunin nʼyo na lang po at ihandog sa Panginoon ang anumang gustuhin nʼyo, Mahal na Hari. Narito ang mga baka para ialay nʼyo bilang handog na sinusunog. Narito rin po ang mga pamatok pati ang mga tabla na ginagamit sa paggiik, upang gawin nʼyong panggatong.

23Mahal na Hari, ibibigay ko po itong lahat sa inyo, at tanggapin sana ng Panginoon na inyong Diyos ang handog ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.