2 Samuel 24

Mahal na Hari, ibibigay ko po itong lahat sa inyo, at tanggapin sana ng Panginoon na inyong Diyos ang handog ninyo.”

2 Samuel 24:23 (UKJV) All these things did Araunah, as a king, give unto the king. And Araunah said unto the king, The LORD your God accept you.

21Sinabi ni Arauna, “Mahal na Hari, bakit po kayo nandito?” Sumagot si David, “Pumunta ako rito para bilhin ang giikan mo, dahil gagawa ako ng altar para sa Panginoon, upang matigil na ang salot.”

22Sinabi ni Arauna, “Kunin nʼyo na lang po at ihandog sa Panginoon ang anumang gustuhin nʼyo, Mahal na Hari. Narito ang mga baka para ialay nʼyo bilang handog na sinusunog. Narito rin po ang mga pamatok pati ang mga tabla na ginagamit sa paggiik, upang gawin nʼyong panggatong.

23Mahal na Hari, ibibigay ko po itong lahat sa inyo, at tanggapin sana ng Panginoon na inyong Diyos ang handog ninyo.”

24Ngunit sumagot si Haring David, “Hindi ko ito tatanggapin nang libre; babayaran kita. Hindi ako maghahandog sa Panginoon kong Diyos ng mga handog na sinusunog na walang halaga sa akin.” Kaya binili ni David ang giikan at ang mga baka sa halagang limampung pirasong pilak.

25Pagkatapos, gumawa siya roon ng altar para sa Panginoon at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan. Sinagot ng Panginoon ang panalangin ni David para sa Israel, at huminto ang matinding salot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.