2 Samuel 24

Sinabi ni Arauna, “Kunin nʼyo na lang po at ihandog sa Panginoon ang anumang gustuhin nʼyo, Mahal na Hari. Narito ang mga baka para ialay nʼyo bilang handog na sinusunog. Narito rin po ang mga pamatok pati ang mga tabla na ginagamit sa paggiik, upang gawin nʼyong panggatong.

2 Samuel 24:22 (UKJV) And Araunah said unto David, Let my lord the king take and offer up what seems good unto him: behold, here be oxen for burnt sacrifice, and threshing instruments and other instruments of the oxen for wood.

20Nang makita ni Arauna na paparating ang hari at ang mga tauhan nito, lumabas siya at lumuhod sa harapan ni David.

21Sinabi ni Arauna, “Mahal na Hari, bakit po kayo nandito?” Sumagot si David, “Pumunta ako rito para bilhin ang giikan mo, dahil gagawa ako ng altar para sa Panginoon, upang matigil na ang salot.”

22Sinabi ni Arauna, “Kunin nʼyo na lang po at ihandog sa Panginoon ang anumang gustuhin nʼyo, Mahal na Hari. Narito ang mga baka para ialay nʼyo bilang handog na sinusunog. Narito rin po ang mga pamatok pati ang mga tabla na ginagamit sa paggiik, upang gawin nʼyong panggatong.

23Mahal na Hari, ibibigay ko po itong lahat sa inyo, at tanggapin sana ng Panginoon na inyong Diyos ang handog ninyo.”

24Ngunit sumagot si Haring David, “Hindi ko ito tatanggapin nang libre; babayaran kita. Hindi ako maghahandog sa Panginoon kong Diyos ng mga handog na sinusunog na walang halaga sa akin.” Kaya binili ni David ang giikan at ang mga baka sa halagang limampung pirasong pilak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.