2 Samuel 4

dahil tumakas ang mga unang naninirahan dito papuntang Gitaim. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila roon bilang mga dayuhan.

2 Samuel 4:3 (UKJV) And the Beerothites fled to Gittaim, and were sojourners there until this day.)

1Nang marinig ni Isboset na anak ni Saul, na pinatay si Abner sa Hebron, pinagharian siya ng matinding takot pati na ang lahat ng mamamayan ng Israel.

2May dalawang tauhan si Isboset na namumuno sa pagsalakay sa mga lungsod ng mga kalaban: sina Baana at Recab. Mga anak sila ni Rimon na taga-Beerot, mula sa lahi ni Benjamin. Ang Beerot ay sakop ngayon ng Benjamin

3dahil tumakas ang mga unang naninirahan dito papuntang Gitaim. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila roon bilang mga dayuhan.

4(Ang anak ni Saul na si Jonatan ay may anak na nalumpo, si Mefiboset. Limang taóng gulang ito nang dumating ang balitang napatay sina Saul at Jonatan sa labanan sa Jezreel. Nang marinig ng tagapag-alaga ni Mefiboset ang balita, binuhat niya ito at tumakas. Ngunit dahil sa pagmamadali, nabitawan niya ang bata at itoʼy nalumpo.)

5Isang araw, nagpunta sa bahay ni Isboset sina Recab at Baana na mga anak ni Rimon na taga-Beerot. Tanghaling-tapat nang dumating sila habang nagpapahinga si Isboset.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.