2 Samuel 4

Nang marinig ni Isboset na anak ni Saul, na pinatay si Abner sa Hebron, pinagharian siya ng matinding takot pati na ang lahat ng mamamayan ng Israel.

2 Samuel 4:1 (UKJV) And when Saul's son heard that Abner was dead in Hebron, his hands were feeble, and all the Israelites were troubled.

1Nang marinig ni Isboset na anak ni Saul, na pinatay si Abner sa Hebron, pinagharian siya ng matinding takot pati na ang lahat ng mamamayan ng Israel.

2May dalawang tauhan si Isboset na namumuno sa pagsalakay sa mga lungsod ng mga kalaban: sina Baana at Recab. Mga anak sila ni Rimon na taga-Beerot, mula sa lahi ni Benjamin. Ang Beerot ay sakop ngayon ng Benjamin

3dahil tumakas ang mga unang naninirahan dito papuntang Gitaim. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila roon bilang mga dayuhan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.