2 Samuel 4

Pumasok sila sa bahay na kunwariʼy kukuha ng trigo. Dumiretso sila sa kuwarto ni Isboset kung saan nakahiga ito sa kama niya at pagkatapos, sinaksak nila ito sa tiyan. Pinutol nila ang ulo ni Isboset at dinala nila ito sa kanilang pagtakas. Buong gabi silang naglakbay sa Kapatagan ng Jordan.

2 Samuel 4:6 (UKJV) And they came thither into the midst of the house, as though they would have fetched wheat; and they stroke him under the fifth rib: and Rechab and Baanah his brother escaped.

4(Ang anak ni Saul na si Jonatan ay may anak na nalumpo, si Mefiboset. Limang taóng gulang ito nang dumating ang balitang napatay sina Saul at Jonatan sa labanan sa Jezreel. Nang marinig ng tagapag-alaga ni Mefiboset ang balita, binuhat niya ito at tumakas. Ngunit dahil sa pagmamadali, nabitawan niya ang bata at itoʼy nalumpo.)

5Isang araw, nagpunta sa bahay ni Isboset sina Recab at Baana na mga anak ni Rimon na taga-Beerot. Tanghaling-tapat nang dumating sila habang nagpapahinga si Isboset.

6Pumasok sila sa bahay na kunwariʼy kukuha ng trigo. Dumiretso sila sa kuwarto ni Isboset kung saan nakahiga ito sa kama niya at pagkatapos, sinaksak nila ito sa tiyan. Pinutol nila ang ulo ni Isboset at dinala nila ito sa kanilang pagtakas. Buong gabi silang naglakbay sa Kapatagan ng Jordan.

8Pagdating nila sa Hebron, dinala nila kay David ang ulo ni Isboset at sinabi, “Narito po ang ulo ni Isboset ang anak ni Saul na kalaban nʼyo, na nagtangka sa inyong buhay. Sa araw na ito, ipinaghiganti kayo ng Panginoon laban kay Saul at sa angkan niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.