6Pumasok sila sa bahay na kunwariʼy kukuha ng trigo. Dumiretso sila sa kuwarto ni Isboset kung saan nakahiga ito sa kama niya at pagkatapos, sinaksak nila ito sa tiyan. Pinutol nila ang ulo ni Isboset at dinala nila ito sa kanilang pagtakas. Buong gabi silang naglakbay sa Kapatagan ng Jordan.
8Pagdating nila sa Hebron, dinala nila kay David ang ulo ni Isboset at sinabi, “Narito po ang ulo ni Isboset ang anak ni Saul na kalaban nʼyo, na nagtangka sa inyong buhay. Sa araw na ito, ipinaghiganti kayo ng Panginoon laban kay Saul at sa angkan niya.”
9Sumagot si David, “Sasabihin ko sa inyo ang totoo sa presensya ng Panginoon na buháy, na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan.
10Noon ay may taong pumunta sa akin sa Ziklag at sinabing patay na si Saul, akala niyaʼy magandang balita ang dala niya sa akin. Sa halip, ipinadakip ko siya at ipinapatay. Iyon ang gantimpalang ibinigay ko sa balitang inihatid niya sa akin.