2 Samuel 8

Naagaw nina David ang isang libo niyang karwahe, pitong libong mangangarwahe, at dalawampung libong sundalo. Pinilayan nina David ang mga kabayo na humihila ng mga karwahe, maliban lang sa isandaang kabayo na itinira nila para gamitin.

2 Samuel 8:4 (UKJV) And David took from him a thousand chariots, and seven hundred horsemen, and twenty thousand footmen: and David cut the hamstrings of all the chariot horses, but reserved of them for an hundred chariots.

2Natalo rin ni David ang mga Moabita. Pinahanay niya nang nakahiga ang mga ito sa lupa, at sinukat ang mga ito gamit ang isang lubid. Ang mga napabilang sa sukat na dalawang lubid ay pinagpapatay, at ang mga napabilang naman sa sukat ng pangatlong lubid ay hinayaang mabuhay. Ang mga Moabitang hinayaang mabuhay ay nagpasakop kay David at nagbayad sa kanya ng buwis.

3Nakipaglaban din si David kay Haring Hadadezer ng Zoba, na anak ni Rehob, habang papunta si Hadadezer sa lupaing malapit sa Ilog Eufrates para bawiin ito.

4Naagaw nina David ang isang libo niyang karwahe, pitong libong mangangarwahe, at dalawampung libong sundalo. Pinilayan nina David ang mga kabayo na humihila ng mga karwahe, maliban lang sa isandaang kabayo na itinira nila para gamitin.

5Nang dumating ang mga Arameo mula sa Damasco upang tulungan si Haring Hadadezer ng Zoba, pinatay nina David ang dalawampuʼt dalawang libo sa mga ito.

6Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damasco, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pupuntahan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.