3Nakipaglaban din si David kay Haring Hadadezer ng Zoba, na anak ni Rehob, habang papunta si Hadadezer sa lupaing malapit sa Ilog Eufrates para bawiin ito.
4Naagaw nina David ang isang libo niyang karwahe, pitong libong mangangarwahe, at dalawampung libong sundalo. Pinilayan nina David ang mga kabayo na humihila ng mga karwahe, maliban lang sa isandaang kabayo na itinira nila para gamitin.
5Nang dumating ang mga Arameo mula sa Damasco upang tulungan si Haring Hadadezer ng Zoba, pinatay nina David ang dalawampuʼt dalawang libo sa mga ito.
6Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damasco, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pupuntahan niya.
7Kinuha ni David ang mga gintong kalasag na pag-aari ng mga opisyal ni Hadadezer, at dinala ang mga ito sa Jerusalem.