5Nang dumating ang mga Arameo mula sa Damasco upang tulungan si Haring Hadadezer ng Zoba, pinatay nina David ang dalawampuʼt dalawang libo sa mga ito.
6Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damasco, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David sa bawat labanang pupuntahan niya.
7Kinuha ni David ang mga gintong kalasag na pag-aari ng mga opisyal ni Hadadezer, at dinala ang mga ito sa Jerusalem.
8Kinuha rin niya ang napakaraming tanso sa Beta at Berotai, mga bayang sakop ni Hadadezer.
9Nabalitaan ni Haring Tou ng Hamat na tinalo ni David ang buong sundalo ni Hadadezer.