1Isang araw, nagtanong si David, “May natitira pa ba sa sambahayan ni Saul na maaari kong pakitaan ng kabutihan alang-alang kay Jonatan?”
2Ipinatawag ni David ang isang tao na nagngangalang Ziba, isang utusan mula sa sambahayan ni Saul. Pagdating niya, tinanong siya ni David, “Ikaw ba si Ziba?” Sumagot siya, “Ako nga po.”
3Muling nagtanong ang hari, “May natitira pa ba sa sambahayan ni Saul na maaari kong pakitaan ng kabutihan ng Diyos?” Sumagot siya, “Mayroon po, ang lumpong anak na lalaki ni Jonatan.”
4“Nasaan siya?” tanong ng hari. Sumagot si Ziba, “Naroon po sa Lodebar, sa bahay ni Maquir na anak ni Amiel.”
5Kaya ipinasundo siya ni Haring David mula sa bahay ni Maquir.