1Kaya ikaw Timoteo, bilang aking anak sa pananampalataya, magpakatatag ka sa tulong ni Kristo Hesus.
2Ituro mo rin sa mga mapagkakatiwalaang tao, na makakapagturo rin sa iba, ang mga aral na narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi.
3Makibahagi ka sa mga paghihirap bilang isang mabuting sundalo ni Kristo Hesus.
4Katulad ka dapat ng isang sundalong nasa serbisyo; hindi siya nakikisangkot sa iba pang gawain para mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang opisyal.
5Ganoon din naman, katulad ka dapat ng isang manlalaro; hindi siya makakakuha ng gantimpala kung hindi siya sumusunod sa tuntunin ng laro.